-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nai-download na ang block grant para sa operasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Ito mismo ang kinumpirma ni BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua.
Idadaan muna sa isang proseso ang block grant dahil sa ilang teknikalidad.
Nakatakda namang bumisita sa Bangsamoro government center sa Cotabato City si DBM Secretary Wendel Avisado para makipagpulong sa mga opisyal ng BARMM kasama ang mga economic managers ng rehiyon.
Inamin mismo ni Secretary Avisado na nahirapan sila sa pag-down load ng budget ng BARMM.
Marami naman ang natuwa sa pag-download ng budget ng BARMM na magagamit sa iba’tibang proyekto at programa ng rehiyon.