-- Advertisements --

Itinanggi ni US Secretary of State Antony Blinken na mas lumalawak pa ang labanan ng Israel sa Hamas.

Nasa Israel kasi si Blinken at nakausap ang ilang opisyal doon at nagtungo rin ito sa ilang bansa gaya ng Egypt, Palestine, Qatar at Saudi Arabia.

Dagdag pa nito na may ilang puntos na kanilang ikinakabahala gaya laganap na atake ng Houthi rebels sa Red Sea at ang tensiong nagaganap sa Israel at Hezbollah.

Dahil sa nasabing mga tensiyon ay gumagawan na ng hakbang ang ilang mga bansa para maibsan ang tensyon na nagaganap sa pagitan ng Israel at Hamas at ng hindi na kumalat pa sa mga karatig na bansa.