-- Advertisements --
image 492

Target ng Department of Education (DepEd) na ma-institutionalize ang blended learning bilang permanenteng paraan ng pagtuturo sa Pilipinas.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, ang pag-institutionlize sa blended learning ay makakatugon sa kakulangan ng mga silid aralan sa bansa.

Bagamat sinabi din ng opisyal na palaging prayoridad ng DepEd ang pagpapaganda pa lalo ng mga pasilidad sa edukasyon at ang pag-institutionalize sa blended learning ay isa lamang sa kanilang mga ginagawang intervention para mapunan ang kakulangan sa mga silid aralan sakaling hindi man mapunan pa hangang sa mga susunod na taon.

Samantala, iniulat din ng opisyal na nagpapatuloy pa rin ang pagkumpuni sa ilang mga paaralan na binaha sa gitna ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa Agosto 29.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa mga lokal na pamahalaan at Deparment of Public Works and Highways kaugnat sa mga paaralan na nasa flood-prone areas.

Top