-- Advertisements --

Tinapos na ng Blackwater ang kanilang anim na magkakasunod na pagkatalo matapos na talunin ang Terrafirma Dyip 97-82 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng Blackwater si Richard Escoto na nagtala ng 21 points habang mayroong 19 points, 12 rebounds si Christian David sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Umabot pa sa 18 points ang kalamangan Blackwater para makuha ang dalawang panalo at walong talo habang ang Dyip ay mayroong 10 talo.

Sinabi ni Blackwater coach Jeff Cariaso naging hamon din sa kanila ang Dyip dahil sa ipinilit nilang makabangon sa laban.

Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Louie Sangalang para sa Dyip kung saan inaasahan na ito na ang huling laro ng koponan dahil pagbili sa kanila ng Starhorse Shipping.