Nagretiro na sa paglalaro sa PBA si Paul Desiderio ng Blackwater Bossing.
Kinumpirma ito ng Blackwater team owner Dioceldo Sy matapos ang imbestigasyon sa alegasyon ng pang-aabuso sa kaniyang dating kinakasama.
Kabilang sana si Desiderio sa three-team trade ng Blackwater, NLEX at TNT subalit hindi na isinama ang pangalan sa inaprubahan ng PBA.
Sa halip ay kanilang ipinadala ang second round picks kasama sina Brandon Ganuelas-Rosser sa NLEX kapalit kay Calvin Ofana at Raul Soyud.
Matapos nito ay ipinalit ng Bossing sina Oftana at Soyud sa TNT kapalit nina Troy Rosario at Gab Banal.
Magugunita noong Hulyo, ay ibinunyag ni dating UAAP courtside reporter na si Agatha Uvero na siya ay nakaranas ng pang-aabusong emotional, physical sa kanilang relasyon.
Una ng sinabi ng PBA na kanilang iimbestigahan ang insidente at hindi nila kokonsintihin ang nabanggit na pang-aabuso.
Mariing pinabulaanan naman ni Desiderio ang nasabing mga alegasyon.
Hindi rin nakapaglaro si Desiderio sa All-Filipino Conference dahil sa injury nito sa tuhod.
Noong Abril, 2021 ay isinilang ni Uvero ang panganay nila ni Desiderio at mula noon ay inamin nitong sil aay hiwalay na.