-- Advertisements --

Itinuring na bayani ng Blackwater si Baser Amer matapos talunin nila ang dating koponan nitong Meralco Bolts 90-89 sa 2022 PBA Philippine.

Naipasok kasi ni Amer ang bola sa natitirang 1.2 seconds ng last quarter sa laro na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang nasabing puntos na nagawa ni Amer ay bilang kasagutan sa basket ni Chris Newsome at lumamang ang Bolts ng 89-88.

Labis naman na ikinatuwa ni Blackwater coach Ariel Vanguardia ang naging performance ng kaniyang mga manlalaro.

Nanguna sa scoring si Ato Ular na nagtala ng 19 points at 15 rebounds habang mayroong 19 points din si Jayvee Casio habang mayroong 15 points si Rey Suerte at 12 points si Rashawn McCarthy.

Mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Blackwater habang mayroong tatlong panalo at tatlong talo ang Bolts.