-- Advertisements --

Binigo ng NorthPort ang Blackwater 87-83 sa nagpapatuloy ng 2022 PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng NorthPort si Prince Ibeh na nagtala ng 16 points at 10 rebounds.

Mayroon namang 14 points si Arwind Santos at 13 points si Jerrick Balanza.

Hawak pa ng Blackwater ang kalamangan sa pagsisimula ng fourth quarter hanggang nahaboli ito ng NorthPort.

Nasayang naman ang ginawang 28 points at 17 rebounds ni Cameron Krutwig ng Blackwater.