-- Advertisements --

Inanunsiyio ni K-pop group member Blackpink na si Jisoo ang pag-solo na nito.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan ukol paglunsad niya ng solo career sa darating na Marso 31.

Una ng sinabi ng YG Entertainment na noong nakaraang buwan ay sinimulan ng 28-anyos na si Jisoo ang shooting ng kaniyang bagong music video para sa solo bebut.

Si Jisoo ang siyang huling miyembro ng grupo na maglalabas ng sariling kanta.

Kasalukuyang mayroong “Born Pink” world tour ang grupo kung saan isa sa mga lugar kung saan sila magco-concert ay sa Philippine Arena sa darating na Marso 25 at 26.