Nag-isyu ang Bureau of Immigration (BI) ng babala kaugnay sa bagong human trafficking scheme na “Bitbit”.
Sa ilalim ng Bitbit scheme, tinatangka ng isang indibidwal na madalas bumiyahe na dalhin ang isang babaing biktima na inalok na magtrabaho bilang sex worker abroad.
Ang babalang ito ng immigration bureau ay kasunod ng naitalang insidente ng bagong modus noong Marso 22, kung saan isang lalaki at kaniyang biktima ang naharang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Aiport Terminal 3.
Nagpangap ang mga ito na mag-partner at tinangkang umalis ng bansa patungong Kota Kinabalu sa Malaysia.
Samantala, itinurn-over na ng mga awtoridad ang biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking.
Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabagsa sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.