-- Advertisements --

Nasa typhoon category na ang bagyong Bising, ilang oras matapos itong makapasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, lumakas pa ito habang nasa silangan ng ating bansa.

Namataan ito sa layong 960 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Kumikilos ngayon nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Taglay na ng bagyong Bising ang lakas ng hangin na 130 kph at may pagbugsong 160 kph.

Inaasahang bukas ay makakapagtaas na ng signal warnings sa ilang parte Bicol at Eastern Visayas.