-- Advertisements --

Pumalag si Manila Bishop Broderick Pabillo sa pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na “un-Christian” ang tanong sa kanya kung bakit ito nakakuha kaagad ng kwarto sa ospital kahit pa mayroong shortage dito sa ngayon dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.

Ito ay matapos aminin ni Roque noong Sabado na isinugod siya sa ospital at nakakuha ng kwarto doon dahil sa bumaba ang kanyang oxygen levels.

Ayon kay Pabillo, “uncalled for” na bansagan ni Roque ang maayos at legitimate namang tanong sa kanya.

Iginiit ni Pabillo na dapat nga ay maging transparent ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagsagot sa anumang tanong.

Problema kasi aniya sa halip na sagutin ng tanong eh nagagawa pa ng mga opisyal na ito na gawing ad hominem ang kanilang sagot sa pamamagitan nang pagsagot nang pabalang sa mga nagtatanong.

Kahapon, tumanggi ang Department of Health na magbigay ng komento hinggil sa umano’y pagbibigay nang prayoridad kay Roque.