-- Advertisements --

Naipanalo ng Bureau of Internal Revenue ang kasong kriminal na kanilang inihain laban sa sa vape seller na Tap Fog at iba pang mga kasabwat nito.

Ito ay kinumpirma mismo ng pamunuan ng BIR.

Ayon sa ahensya, inilabas na ng Court of Tax Appeals at Metropolitan Trial Court ang warrant of arrest laban sa mga indibidwal na nagpapatakbo ng naturang kumpanya.

Ang kaso ay nag-ugat matapos ang isinagawang raid noong taong 2022.

Dito ay tumambad sa mga otoridad ang mga vape na ilegal na ibinebenta ng naturang kumpanya.

Sinabi naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., na ang pagkapanalong ito ay patunay ito ng seryosong kampanya ng kanilang departamento sa mga kumpanya na nagbebenta ng untaxed vape products.

Batay sa nasabing criminal complaint, aabot sa P1.2-billion ang estimated civil liability ng Tap Fog kasama na ang multa.

Top