Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na malakas ang kanilang mga ebidensya laban sa tatlong kompaniyang kanilang kinasuhan sa ilalim ng Run After Fake Transactions (RAFT).
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., mga pekeng resibo ang ginagamit ng mga ito, kung saan tinatayang nasa P17.9 billion ang nawawala sa kita ng pamahalaan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Kabilang sa kinasuhan ang isang malaking kompaniya ng sapatos at dalawang steel company.
Kasama sa mga ipinagharap ng reklamo ang corporate officers, accounting firms at accountants ng nasabing mga tanggapan.
Wika ni Lumagui, sindikato ang nasa likod ng bentahan ng mga pekeng resibo at ang masaklap ay tinatangkilik din ito ng ilang malalaking kompaniya.
Sa kasalukuyan ay nasa Department of Justice (DoJ) na ang complaint na idinulog ng BIR.










