-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Inuwi na sa kanilang lugar sa Brgy. Sanghan, Cabadbaran City, Agusan del Norte ang bangkay ng isang 22-anyos na binatang natagpuang patay matapos magpatiwakal gamit ang kumot.
Nakilala ang biktimang si Jomari Gumawi ng Purok 9, Brgy, Bancasi, Butuan.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Gemmalyn, bago ang insidente ay nag-away pa umano sa cell phone ang biktima at ang live-in partner nito noong Nobyembre 24 dahil sa selos.
Nagulat na lamang si Gemmalyn nang masilip na nakabitin na sa loob ng bahay ang kanyang kapatid at tinangka pa nila itong i-revive ngunit hindi na ito naagapan pa.