BUTUAN CITY – Patay na nang matagpuan pasado alas-onse kagabi ang isang binata matapos anurin ng tubig-baha kahapon pa ng umaga nang sunduin nito ang mga kaibigang naglalaba sa ilog ng Brgy. Manila de Bugabos nitong lungsod ng Butuan.
Ayon kay Kapitan Jhonryll Denuro, nang nasa sa ilog na ang biktimang si Elmer Nituda, ay bigla na lang rumaragasa ang tubig-baha na hatid ng iilang araw na pag-ulan at inanod ang pinsan nito kung kaya’t dali itong tumalon at iniligtas ang pinsan.
Natamaan umano ang biktima ng naanod na kahoy hanggang sa tuluyan ng anurin sa quarry area ngunit hindi nagawang iligtas dahil sa laki ng tubig-baha.
Binalikan ito ng mga rescuers dakong alas-dies kagabi at pagkalipas ng isang oras ay natagpuan at daling dinala sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.