-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak at pamilya ng isang binata matapos itong magpatiwakal sa bahagi ng Brgy. Magsaysay, Koronadal City.

Kinilala ang naturang biktima na si Jirine Fernandez Saludo, 24-anyos, at residente ng Prk. Pagasa sa naturang barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Brgy. Magsaysay kapitan Luz Bustillo, inihayag nitong nagulat siya nang mabalitaan ang nasabing impormasyon.

Nananawagan ito sa mga magulang na dapat maiging bantayan ang kanilang mga anak at kaagad kausapin kapag mayroon silang mga problema.

Ayon naman sa kaniyang nanay na si Catherine, mayroon umanong third eye si Jirine kung saan may nakikita umano itong mga kababalaghan at mga espiritu sa kanilang bahay.

Iniimbestigahan pa sa ngayon ng mga otoridad ang anggulo o motibo ng pagpapatiwakal ng biktima.

Nabatid na noong nakaraang taon ay nagpatiwakal din ang kaniyang lola nang uminom ito ng lason matapos umanong tinaga ang kamay ng kaniyang asawa.