-- Advertisements --

Sinulatan ni Space X CEO Elon Musk ang kumpanyang Twitter na at nag-alok ng muling pagbili niya dito sa unang napagkasunduan na $54.20 per share.

Sa kaniyang sulat na nais na nitong ituloy ang unang nasabing proposal noon at pumayag na bilhin ang Twitter ng $44-bilyon.

Iginiit naman ng tagapagsalita ng Twitter na hindi pa rin nagbabago ang kanilang unang alok na maglalaro lamang sa $54.20 per share.

Una ng iniatras ni Musk ang pagbili matapos akusahan ang Twitter na hindi makontrol ang mga fake bot sa nasabing platform.