Nakatakdang bilhin ng 42 year old na bilyonaryo at chairman/CEO ng United Wholesale Mortgage na si Mat Ishbia ang koponan ng Phoenix Suns at women’s team na Phoenix Mercury sa halagang apat na bilyong dolyar o katumbas yan ng halos Php 221 billion pesos.
Si Ishbia ay isang pambansang kampeon sa koponan ng basketball ng Michigan State noong taong 2000 at naipanalo nito ang tatlong sunod-sunod na Finals.
Ang koponan ng Phoenix Suns ay kasalukuyang pagmamay ari ni Robert Sarver na sinuspinde ng National Basketball Association matapos nitong mainvolved sa isang iskandalo.
Matatandaan naman na inanunsyo ni Sarver noong Septyembre taong kasalukuyan ang plano nitong pagbebenta sa koponan.
Sa ngayon ay pinaplantsa na lang ng dalawang panig ang deal para tuluyang mailipat kay Ishbia ang ownership nito.