-- Advertisements --

Binatikos ng singer na si Billie Eilish ang mga kritiko sa kaniyang pagbabagong anyo.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan niya mula pa noong nakaraang limang taon.

Ipinakita nito ang kaniyang iba’t-ibang pagkatao at pagbabagong anyo.

Dagdag pa nito na dapat irespeto ng mga tao ang isang babae.

Magugunitang marami ang nagulat sa pagbabagong anyo ng American singer na dati ay may ibat’-ibang kulay ang buhok at nagsusuot ng mga kakaibang uri ng damit ngayon ay tila nagiging pormal na ito gaya ng mga ordinaryong kababaihan.