-- Advertisements --

Nasa halos kalahati sa pamilyang Filipino ang ikinokonsidera na ang sarili ay mahirap.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) 43 percent o katumbas ng 10.9 milyon ang nagsasabing sila ay mahirap.

Habang 34 percent ang nagsabing sila ay nasa “borderline poor” habang 23 percent sa mga ito ang nagsabing hindi sila mahirap.

Isinagawa ang face-to-face interview survey mula Abril 19 hanggang 27 na nilahukan ng 1,440 adults.

Lumalabas na tumaas ang bilang ng mga nagsasabing sila ay mahirp kumpara noong Disyembre 2021 na mayroong 10.7-M pamilyang Filipino.