-- Advertisements --

Nagdagdagan pa ang bilang ng mga kababayan nating nasaktan nang dahil sa malakas na lindol na yumanig sa Taiwan kamakailan lang.

Ayon sa Department of Migrant Workers, sa ngayon ay pumalo na sa 15 mga Pilipino ang napaulat na sugatan nang dahil sa pagyanig ng magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan.

Gayunpaman ay tiniyak ng naturang kagawaran na agad na na bigyan ng initial medical treatment ang mga ito at kalauna’y na-discharge na mula sa mga pagamutan, kaugnay nito ay patuloy ding sumasailalim ang mga ito ng follow-up consultation at check-up.

Samantala, bukod dito ay makakatanggap din ang bawat sugatang Pilipino ng Php30,000 na tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Habang patuloy naman ang ginagawang mahigpit na monitoring ng Migrant Workers Office sa Taipei sa kondisyon ng ating mga kababayan sa pamamagitan na rin ng pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kumpanya, medical authorities, Manila Economic and Cultural Office.

Kaugnay nito ay patuloy din na magpapadala ng food packs, iba pang kagamitan, at psychosocial support para sa mga OFWs na apektado ng naturang lindol.

Matatandaan na una nang iniulat ng mga kinuukulan na umabot na sa 12 indibidwal ang napaulat na nasawi habang nasa mahigit isang libong katao na rin ang naitalang sugatan nang dahil sa nangyaring lindol na itinuturing na pinakamalakas na lindol na tumama sa Taiwan sa nakalipas na 25 taon.