-- Advertisements --
image 320

Maaaring umakyat ng 10% ngayong taon ang mga pasahero sa eroplano mula sa dating naitalang higit apat na milyon noong 2019 sa panahon ng paggunita ng undas.

Sinabi ni director Jonathan Gesmundo, executive assistant to the office of the secretary ng Department of Transportation (DOTR), na balik na kasi ngayon ang dating dami ng mga pasahero sa eroplano.

Ayon kay Gesmundo in-full deployment ang lahat ng paliparan sa bansa simula bukas hanggang November 4.

Nakapag-inspeksyon na aniya sila sa mga airport at humingi na rin sila ng schedule ng lahat ng biyahe ng airlines para matulungan ang mga pasahero sakaling magkaroon ng pagkansela ng flights dahil sa bagyo.

Ayon pa kay Gesmundo, sa ngayon ay wala pa naman silang inaasahang maaantalang biyahe para sa paggunita ng undas, nakahanda aniya ang lahat ng airports, seaports, terminal ng bus at mga tren.

Kasabay nito ang payo ni Gesmundo sa publiko na panatilihin pa rin ang pagsusuot ng face mask habang nasa biyahe upang maiwasan ang banta ng Covid 19.