-- Advertisements --

Umakyat na sa 803 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease matapos na mapaulat na nasa 81 namatay sa Hubei, China.

Mas mataas na ang naturang bilang kumpara sa global number ng mga binawian ng buhay dahil naman sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) virus, na pumatay sa 774 katao noong 2002 hanggang 2003.

Sa kanilang daily update, sinabi ng health commission ng Hubei na 2,147 na panibagong kaso ang naitala sa central province, kung saan nagsimula ang outbreak noong Disyembre.

Sa ngayon, mahigit 36,690 confirmed cases na ang naitatala sa China. (Agence France-Presse)