-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.

Isinagawa ang survey mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 percent.

Sinalihan ito ang face-to-face interviews ng 1,440 adults na balance sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Naranasan ang mataas na bilang ng taggutom sa Metro Manila na sinundan ng Mindanao, Luzon at Visayas.