BOMBO DAGUPAN – Umaabot na sa 995 na pamilya o may katumbas na 3,213 na mga indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Goring sa rehiyon uno.
Ayon sa ulat ni Adreanne Pagsolingan, ang Public Information Officer ng Office of the Civil Defense, karamihan sa mga bilang na ito ay galing sa Ilocos Sur at ang ilan ay kasalukuyan ng nasa evacuation areas.
Tatlong kabahayan na rin aniya ang nasira dahil sa bagyo sa naturang lugar.
Sa kasalukuyan ay walong road session sa rehiyon ang hindi madaanan o non passable dahil sa pagbaha lalo na sa Ilocos Sur partikular sa mga munisipalidad ng Quirino, Sigay, Burgoz, Sta. Maria, at San Vicente.
Kaugnay nito patuloy naman ang kanilang koordinasyon lalo na sa mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices at naglalabas din aniya sila ng mga Memorandum orders upang makapag-anunsyo ang bawat lugar ng alert status.