-- Advertisements --

Umabot na sa 4.5million katao ang kumpirmadong naapektuhan ng nagdaang supertyphoon Egay, bagyong Falcon, at Habagat.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 1.2 na pamilya.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Managemant Council(NDRRMC), nananatili pa rin sa mga evacuation center ang kabuuang 9,087 na pamilya o katumbas ng 32,081 na katao.

Bukas hanggang sa ngayon ang kabuuang 405 evacuation center sa buong bansa.

Batay sa pinakahuling casualty count, 30 katao na ang nasawi, 171 ang napaulat na nasaktan habang nananatiling missing ang sampung indibidwal.

Sa kasalukuyan, umabot na rin sa P464million ang halaga ng tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga apektado ng mga nasabing kalamidad.