-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga influenza-like illness sa buong bansa.
Ito ay batay pa rin sa monitoring naturang ahensiya.
Batay sa datus ng DOH hanggang nitong naalipas na buwan ng Oktubre, umabot na sa 151,375 ang bilang ng mga naitalang biktima.
Ito ay mas malayong mas mataas kumpara sa 104,000 na naitalang kaso noong nakalipas na taon.
Itinuturo ng DOH na pangunahing dahiln nito ay ang pagbago-bagong panahon, katulad ng mga pag-ulan at malamid na panahon.
Samantala, kabilang sa mga sintomas ng naturang sakit ay ang mga sumusunod: lagnat, ubo, sipon, sore throat, chills, pananakit ng ulo at katawan, at pagsusuka.