-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga ethnic Armenian refugees ang lumilikas sa Nagorno-Karabakh matapos na masakop ng Azerbaijan ang pinag-aagawang rehiyon.
Nasa halos 7,000 na mga katao na ang tumawid sa Armenia.
Umalis sila matapos na ianunsiyo ng namumuno sa Yerevan na kanilang ililipat ang mga nawalan ng tirahan dahil sa labanan.
Sinabi ni Armenian Prime Minister Nikol Pashinyan na kasalukuyang nagaganap ang ethnic cleansing sa lugar.
Una ng sinabi ng Azerbaijan government na nais na dapat sundin ng mga Armenians ang pagkakaroon ng pantay na mamamayan.
Ilang daang refugees na rin ang nabigyan ng Armenian government ng mga pabahay na galing sa gobyerno.