-- Advertisements --
national housing authority

Umabot na sa humigit-kumulang 1.2 milyong mga pabahay ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga benepisyaryo nito sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Batay sa datus ng National Housing Authority, kabilang sa mga pangunahing benepisyaryo ay ang mga informal settlers o mga pamilyang nakatira sa mga hindi otorisadaong lugar, mga mahihirap na pamilya, nasalanta ng mga kalamidad, at maging ang mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon kay NHA Corporate Planning Department Head Cromwell Teves, magpapatuloy pa rin ang ginagawa ng ahensiya na pagtatayo ng mga pabahay para sa mga kwalipikadong pamilya.

Ito ay sa tulong na rin aniya ng mga lokal na pamahalaan na katuwang nila sa paglalaan ng mga pabahay para sa mga Pilipino.