Nagpositibo sa COVID-19 ang 15 empleyado ng Presidential Communications Operations Office, ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.
Sa isang panayam, sinabi ni Andanar na sa naturang bilang, 14 ang active cases habang isa naman ang tuluyang binawian ng buhay.
Dahil dito, activated na aniya ang kanilang COVID Warrior Mechanism kung saan may mga itinalaga silang tao para magsagawa ng contact tracing at makipag-coordinate sa mga ospital.
Sa kasalukuyan, naka-lockdown aniya ang opisina ng PCOO at Radio Television MalacaƱang, at mayroong ilang lamang sa technical side ang pinapayagang makapasok.
Pagkatapos ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, sinabi ni Andanar na pansamantalang ihihinto muna ng RTVM ang kanilang productions sa loob ng dalawang linggo.