-- Advertisements --

Patay ang hinihinalang bigtime drug pusher matapos na nito ay manlaban sa kapulsan sa Lumban, Laguna.

Nakuha pa sa suspek na si Reynante Coralde ang P250,000 halaga na pinaghihinalaang shabu.

Sinabi ni Police Major Ryan Jay Orapa ng Laguna PNP, ikinasa ang buy-bust operation nitong Miyerkules ng gabi.

Nakuha pa sa kustodiya ng suspek ang isang kalibre .45 na baril.

Dagdag pa ni Orapa na nakulong na ng limang taon ang suspek dahil pa rin sa iligal na droga.