-- Advertisements --
Pinag-aaralan ngayon ng Department of Health (DoH) ang malaking pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Central Visayas sa loob ng mga nakalipas na araw.
Magugunitang nalagpasan na ng Region 7 ang daily cases na pumapasok sa record ng Metro Manila mula noong isang linggo.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kailangang dumaan sa mabusising pag-aaral ang pangyayaring ito para ma-address nila ng angkop na hakbang.
Isa sa nakikitang rason ng DoH kaya mataas ang naitatalang kaso sa Central Visayas ang backlogs ng mga sample at ang malawakang contact tracing sa mga pangunahing lugar sa rehiyon.