-- Advertisements --
Nagpatupad na ng malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis kaninang alas:6 ng umaga.
Sa presyo ng diesel, nagkaroon ng pagtaas na P3.50 kada litro.
Sa gasolina naman, nasa P2.10 kada litro habang sa Kerosene may umento na P3.25 kada litro.
Samantala, mayroon ding paggalaw sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) simula ngayong araw, Agosto 1.
Sa Petron, may pagtaas na P4.55 kada kilo habang sa AutoLPG naman ay may umento na P2.54 kada litro.
Ito ay alinsunod sa international contract price ng LPG para sa buwan ng Agosto.