-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ni US President Joe Biden sa mamamayan nito na magpaturok na ng booster shots.
Sinabi nito na dapat ang mga may edad 18 pataas na nakapag-fully vaccinated na mula Hunyo 1 ay magpa-booster shots na.
Nararapat pa rin na magsuot ng face mask at dapat ang mga magulang ay ipabakuna ang kanilang mga anak lalo na at mayroong banta ng Omicron vaccine.
Inaasahan na nito na hindi malayong makarating na rin sa US ang Omicron.
Wala ring balak itong magpatupad ng travel restrictions at ang pagkakaroon ng panibagong lockdown dahil tiwala ito sa kakayahan ng US na makagawa ng bakuna laban sa panibagong variant ng COVID-19.