-- Advertisements --

Tinalo na ni Democratic president-elect Joe Biden si US President Donald Trump sa estado ng Georgia.

Sinabi ni Georgia Secretary of State Brad Raffensperger na hindi nagsisinungaling ang numero.

Sa isinagawang recount kasi sa Georgia, tinalo ni Biden si Trump sa mahigit 12,000 na boto kung saan mayroong 2,475,1141 na boto nakuha si Biden at 2,462,857 ang kabuuang boto ni Trump.

Dagdag pa ng Secretary of State, na ang nasabing desisyon ay mula sa mga tao at hindi lamang sa kaniya.