-- Advertisements --

Isasaalang-alang ng US House of Representatives ang karagdagang $40 bilyon na pandagdag na pondo para sa Ukraine ngayong araw ayon kay House Majority Leader Steny Hoyer.

Ito ay may kaugnayan sa panawagan ni US President Joe Biden sa Kongreso na “agad” na ipasa ang Ukraine aid bill, na nagbabala sa unang pagkakataon na mauubos ang umiiral na tulong sa “humigit-kumulang 10 araw.”

Sinabi ni Biden sa isang pahayag na dapat dalhin ang nasabing bill sa kaniyang desk sa susunod na mga araw.

Magugunitang, noong una ay humiling si Biden ng $33 bilyon, ngunit ang Kongreso ay nagmungkahi ng bilyun-bilyon pa para sa tulong sa pagkain at kagamitang militar.