-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita si US President Joe Biden sa Florida.
Ito ay para tignan ng pangulo ang mga napinsala ng hurricane Idalia.
Malaking bahagi kasi ng Florida ang nalubog sa tubig baha dahil sa pananalasa ng bagyo.
Magugunitang umabot pa sa category 4 ang hurricane Idalia na may dalang storm surge sa nasabing lugar.