-- Advertisements --

Nakausap ni US President Joe Biden sa telepono si Saudi Arabian Crown Prince Mohamed bin Salman.

Natalakay ng dalawa ang giyera sa pagitan ng Israel at ang Islamist group na Hamas.

Ayon sa White House na nagkasundo ang dalawang lider ng pagsulong ng mas malawak na diplomatic efforts para mapanatili ang kaayusan sa rehiyon at maiwasang lumawak pa ang kaguluhan.

Umaasa rin ang dalawa na dapat tuluyang mapalaya ng mga Hamas militants ang hawak nilang mga bihag.