-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono si US President Joe Biden at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ang nasabing tawag ay ilang araw matapos na mapirmahan ni Biden para maging ganap na batas ang aid package na $26 bilyon sa Israel.

Ito ring ang makailang pagkakataon na nagkausap sa telepono ang dalawang lider ng bansa.

Magugunitang makailang ulit na nanawagan si Biden sa Israel na isulong ang permanenteng ceasefire at ang pagpigil sa pag-atake sa Rafah.