-- Advertisements --

Seryoso umano US President-elect Joe Biden sa kaniyang agresibong plano na magtatag ng coronavirus task force sa Amerika.

Ito ay kahit tumatanggi pa si US President Donald Trump na mag-concede sa US elections.

Inanunsiyo ni Biden ang pagtatag ng task force upang makontrol ang pandemya kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng coronavirus disease na nagresulta sa kaniyang pagka-alarma.

Aniya, ang nasabing inisyatiba ay isang malakas na hangarin.

Joe Biden face mask harris

Tiniyak din nito sa kanilang mamamayan na gagawin niya ang lahat na hakbang upang malabanan ang malaking hamon sa kalusugan na kaniyang kinakaharap.

Makikipagkita si Biden kay former Surgeon General Vivek Murthy at former Food and Drug Administration Commissioner David Kessler upang suriin kung paano susulusyunan ang isang pandemic na pumatay na sa mahigit sa 237,000 na mga Amerikano.

Sa panig naman ni Trump, sinabi nito na kung may agresibong plano si Biden laban sa COVID-19 pandemic, magsagawa rin sila ng agresibong plano at ‘yon ay ang pagsasagawa ng kilos-protesta upang palakasin ang kanilang paniniwala na ninakaw daw ni Biden ang pangawalang termino ng Republican President.

Sinabi ni Trump campaign spokesman Tim Murtaugh, nagpaplano silang magsagawa ng mga rally upang mabuo ang suporta para sa kanilang laban upang kwestyunin ang mga resulta sa halalan. (with report from Bombo Jane Buna)