Hangad ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na palakasin ang trabaho ng mga Bicolano, dahilan na kaniyang inihain ang House Bill Nos. 8611 at 8612 para sa pagtatayo ng mga training center ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga bayan ng Manito at Rapu-rapu na mag-aalok ng mga espesyal na programa na naaayon sa mga hinihingi ng job market.
Layon nitong makapag-produce ng skilled workforce para humarap sa pangangailangan ng mga industrisya.
Inihayag ni Co na ang pagkakaroon ng training center ay upang gawing investment hub ang probinsya ng Albay.
Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng TESDA training centers ay magbubunga ng mas pinahusay na job opportunities at economic growth sa rehiyon at hindi aasa na lang sa ayuda na pinagkakaloob ng gobyerno.
“The establishment of TESDA Training and Assessment Centers in the municipalities of Manito and Rapu-rapu is a vital investment in the future of Albay,” he said, explaining his reasons for filing the bills on July 26. “Education is the cornerstone of progress, and by providing accessible technical training, we can equip our people with the skills they need to thrive in the modern world,” pahayag ni Co.
Naniniwala ang mambabatas na ang pagbibigay kapangyarihan sa mga Bicolano sa pamamagitan ng TESDA training centers ay magdadala sa kalaunan ng mas marami at mas magandang oportunidad sa trabaho at paglago ng ekonomiya para sa rehiyon.
Hinimok naman ni Co ang mga kapwa mambabatas na suportahan ang kaniyang inihaing panukalang batas.
Positibo naman ang Party-list solon na susuportahan ng ibat ibang stakeholders kabilang ang mga local leaders, educational institutions, at community organizations ang kaniyang panukala.










