LAOAG CITY – Aminado ang Region 5 o Bicol Region na hindi nila kayang sungkitin ang unang pwesto sa Palarong Pambansa 2025.
Dahil dito, sinabi ni Mr. Francisco Dexter Sison, Regional Sports Officer – Region V na hangad na lamang nila na manatili ang kanilang rehiyon sa Ranked 10.
Aniya, lahat ng delegates ay naghahangad na manalo pero kailangang tanggapin ang katotohanan na hindi nila kayang abutin ang unang pwesto.
Paliwanag ni Sison na mahirap kalabanin ang National Capital Region, Iloilo, Calabarzon at Western Visayas dahil nasubok na ang galing ng kanilang mga atleta.
Hinggil dito, sinabi ni Sison na ang mahalaga ay masungkit na naman nila ang “Most Discipline Delegation”, “Eco-Friendly” at iba pa kung saan ang mga ito ay lagi nilang napapanalunan tuwing Palarong Pambansa.