Itinutulak ngayon ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang revival at modernisasyon ng “Bicol Express” kayat hinimok nito ang Department of Transportation (DOTr) na ituloy ang Public-Private Partnership (PPP) program para sa nasabing proyekto.
Ang Bicol Express ay ang nag-iisang linya ng Philippine National Railways (PNR) na bumibiyahe mula Maynila patungong Albay.
Sinabi ni Yamsuan na siniguro sa kaniya ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na ang revival ng Bicol Express o ang PNR’s South Long Haul Project ay nananatiling prayoridad ng Marcos Jr., administration.
Inihayag ng mambabatas na sa kabila ng walang katiyakan mula sa China na pondohan ang nasabing proyekto, hirit ni Yamsuan na dapat ikunsidera na ng DOTr ang ibang option, isa na dito ang Public Private Partnership program para masiguro na ang nasabing proyekto ay matutuloy.
“Ang pangarap ng maraming Bicolano ay mabuhay muli ang Bicol Express. Many Bicolanos await the day when the Bicol Express chugs back to life with fast, modern trains. Our dream is for the Bicol Express to provide affordable, safe and comfortable service for commuters and make Bicol’s economy the fastest growing in the country,” pahayag ni Yamsuan.
Ang South Long Haul Project, ay kabilang sa listahan ng Pangulong “Build Better More” infrastructure program, na mayruong P3 billion alokasyon sa kasalukuyang taon sa ilalim ng 2024 proposed budget ng DOTr.
Naniniwala naman si Yamsuan na ang pagbuhay muli sa legendary rail line ay magkakaroon ng libu-libong trabaho na lalong lalago ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Bicol region.”
Sang-ayon naman si Yamsuan kay Usec Chavez sa “PPP modality’ sa pamamagitan ng pag tap ng foreign funding institutions gaya ng Asian Development Bank (ADB) o ang Japan International Cooperation Agency (JICA).
Sa kasalukuyan mayruong ongoing P14-billion management consultancy contract sa China Railways Design Corporation (CRDC) para sa railways project.
Sa sandaling matuloy ang unang package para sa Bicol Express o ang PNR’s South Long Haul Project mababawasan ang travel time mula sa kasalukuyan na 14 to 18 hours ay magiging 4-6 hours na lamang.
Ito ay kabilang sa mga big-ticket rail projects na kasama sa listahan ng mga priority infrastructure projects sa ilalim ng House Bill 8078, na nagbibigay ng 30-year national infrastructure program para sa 2023 hanggang 2052.
Ang panukalang batas ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara noong nakaraang Mayo.
Ang unang pakete ng proyekto ng Bicol Express, umaabot sa 386 kilometro mula Calamba, Laguna hanggang Daraga, Albay, ay nauna nang iginawad sa joint venture ng Chinese railway firms ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte.
Ayon sa DOTr, noong Hulyo 2022, itinuring na “withdraw” ang loan agreement para sa proyekto matapos mabigong kumilos ang gobyerno ng China sa mga kahilingan sa pagpopondo ng Duterte administration.
.