-- Advertisements --
Kumpiyansa si Speaker Alan Peter Cayetano na hindi magkakagulo silang mga kongresista at mga senador pagsapit ng 2020 proposed national budget sa bicameral (bicam) conference committee.
Tiwala naman kasi aniya sila na walang mali sa ginawang realignments ng Mababang Kapulungan bago ipadala ang inaprubahan nilang bersyon sa Senado.
Gayunman, iginiit ni Cayetano na handa pa rin sila sa paghimay na gagawin ng mga senador sa pambansang pondo para matiyak na walang pork, parked funds at insertions.
Partikular na tinukoy ng Speaker ang inaasahang “points of convergence” sa agrikultura, kalusugan at edukasyon.