Wala pang natatanggap na report ang Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Bureau of Immigration (BI) hinggil sa mga Chinese nationals na may hawak-hawak na Philippine passports.
Sa isang statement, sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa BI upang matiyak na ang mga foreigners na pumapasok at lumalabas ng bansa ay hindi gumagamit ng Philippine passports.
Ayon sa DFA, inatasan na nila ang BI na kaagad kumpiskahin ang mga Philippine passports na makukumpiska sa mga foreigners, at agarang isaguni sa kanila ang usapin na ito.
Para mapanatili ang integridad at credibilidad ng passport system ng bansa, sinabi ng DFA na muling binuo nila ang Inter-Agency Committee Against Passport Irregularities.
Binubuo ang komite na ito ng Department of Justice, Departement of Interiror and Local Government, BI, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippinenational Police, at marami pang iba.
Tiniyak naman ng DFA ang publiko na nananatili pa ring secured ang Philippine e-Passport system.
Nauna nang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na isa ang Philippine passports sa mga government-issued documents na ibinibenta ng mga travel agencies sa mga Chinese tourists sa pamamagitan nang mga messiging platforms.