Todo ngayon ang paalala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga overseas Filipino workers (OFW’s) na huwag basta-basta maniniwala sa mga lumalapit sa kanilang nagpapanggap na empleyado ng Immigration dahil na rin sa nangyayaring modus ng mga extortionist na ginagamit ang pangalan ng kanilang opisina.
Kasunod na rin ito nang pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang law firm employee na nangikil ng P900,000 sa tatlong Chinese nationals para iproseso ang kanilang dokumento habang nasa China pa ang mga ito.
“Do not fall prey to these predators. They are sweet-talkers that will entice you to attempt to work illegally, but we have already measures in place to prevent that from happening. Report any fixing and extortion attempts to the police to make sure that they are arrested and they are prevented from victimizing other people again,” paalala ni Morente.
Sinabi ni Morente na mayroon na raw silang natanggap na reklamo noong Disyembre kaugnay ng Filipino worker na gustong pumunta sa Dubai sa ilalim ng tourist visa pero naharang daw sa airport.
Pagkatapos nito, mayroon umanong Immigration officer na lumapit at nagpakilala sa biktima at nag-alok ng tulong pero may bayad.
Ayon sa complainant, sinabi raw ng nagpakilalang Immigration officer na si James na nakadestino ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mayroon itong kapasidad na paalisin ang biktima kung magbabayad ito ng cash.
Gamit ang GCash na isang mobile wallet application pa puwedeng gamitin sa pagpapadala ng pera ay agad itong nagbigay kay James ng P7,000 ang P28,000 sa pamamagitan naman ng cash transfer.
Pagkatapos nito ay nagpadala pa siya ng P39,500 at umabot na ang kanyang naibigay sa suspek sa P75,000.
Tinangka raw ng biktimang umalis ulit pero agad naman itong naharang.
Dahil dito, hiniling ng biktima kay James na ibalik na lamang ang kanyang pera pero marami raw itong dahilan para hindi na ibalik ang kanyang pera.
“We have received a complaint sometime in December regarding a Filipino worker who wanted to depart to Dubai under a tourist visa, but was intercepted at the airport. An immigration officer who introduced himself as James approached her and offered to escort her for a fee. The victim tried to ask for her money back from the suspect but he made excuses about it. Upon verification with our records, we had no such employee,” ani Morente.
Nang beripikahin, sinabi ni Morente na hindi raw nila empleyado ang nagpanggap na BI officer.
Agad namang nagpasaklolo si Morente sa government intelligence agencies maging sa NBI para sa pagsasampa ng kaso sa naturang fixer.
Inatasan na rin daw ni Morente ang Travel Control and Enforcement Unit at Intelligence Division na makipag-ugnayan na sa NBI para siguruhing ang suspek ay mananagot sa batas.
“I am unable to disclose the details of the said fixer, but we received intelligence information yesterday about him. We already have his identity. have instructed our Travel Control and Enforcement Unit and Intelligence Division to coordinate with the NBI and ensure that this person faces the harshest penalties of the law,” dagdag ni Morente.
Kahapon nang kumpirmahin ni Justice Sec. Menardo Guevarra na inatasan na nito ang NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa aktibidad ng mga fixers na nakakapasok sa BI.
Kasunod ito nang pagkakaaresto sa law firm employee na si Vivan Lara sa mismong main office ng BI dahil umano sa pangingikil.
Lumalabas na empleyado si Lara ng Calalang Law Office na accredited para makipagtransaksiyon sa BI.
Pero ang kanyang personal accreditation ay paso na noon pa raw buwan ng Enero at hindi na ito pinayagang magkaroon ng transaksiyon sa loob ng Immigration bureau.