-- Advertisements --

Naghahanda na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagdagsa ng mga biyahero na darating sa bansa sa Semana Santa.

Ayon sa BI na tinatayang aabot ito sa mahigit 20, 000 biyahero ang kanilang asahan na darating sa panahon ng Semana Santa sa susunod na buwan.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroong 30,000 na mga biyahero ang kanilang naitatala at may posibilidad na umabot pa ito ng 50,000 kada araw.

Una ng nagpatupad ang BI ng kautusan na pagbabawal sa kanilang mga kawani na mag-leave o magbakasyon dahil sa posibilidad na paglobo ng mga biyahero sa bansa.