-- Advertisements --
Nanindigan ang Bureau of Fire Protection na wala itong ieendorsong sinumang tumatakbong kandidato para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Ito ang tiniyak ng ahensya sa isang pahayag kasabay ng pagsasabing hindi makikiisa ang kanilang mga opisyal at tauhan sa anumang aktibidad at pag po-promote ng sinumang political candidates.
Samantala, kasabay nito ay sinabi ng BFP na sa halip ay magpapatuloy ay kanilang kagawaran sa pagbibigay ng suporta para seguridad publiko, partikular na sa usapin ng fire prevention.