DAGUPAN CITY — Magbawas na ng maaga ng mga huhuliing mga isda para maiwasan ang pagkakatala ng fishkill.
Ito ang payo ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Dagupan Consultant Dr. Wesly Rosario, kasunod ng ilang naitalang pagkamatay ng ilang mga isda sa lalawigan nong mga nakaraang linggo.
Ayon kay Rosario, upang mas dumami ang bilang ng oxygen sa palaisdaan o ilog dahil mahalaga ito para mabuhay ang isang isda.
Aniya, marami kasi ngayon sa mga mangingisda ang target pang mag-harvest ng mga isda sa nalalapit na pasko.
Ngunit paalala niya na mas mainam na lamang na unti-unti na ito ngayong huliin na lamang para na rin sa posibleng pagkalugi.
Dagdag pa niya, bukod sa kawalan ng oxygen, ilan sa mga sanhi ng fishkill ay aksidente o sadyang paglason, hindi paggalaw ng tubig at madalas din itong mangyari sa midtide.