-- Advertisements --

Nanguna ang pop superstar na si Beyonce na may maraming nominasyon sa Grammy Awards.

Aabot kasi sa siyam na nominasyon nito sa pinakamalaking award giving body sa musika.

Dahil dito ay parehas na sila ng kaniyang asawang si Jay-Z na mayroong kabuuang 88 nomination.

Tinagurian na sila bilang most nominated artist sa kasaysayan ng Grammy.

Ang album nitong “Renaissance” ay nominado bilang album of the year na makakaharap ang “30” ni Adele, “Harry’s House” ni Harry Styles, “Special” ni Lizo at iba pa.

Gaganapin ang awarding ceremony sa darating na Pebrero 5 sa Los Angeles.